Monumento ng Pagkilala sa Zero Malaria sa Yaeyama
Monumento ng Pagkilala sa Zero Malaria sa Yaeyama
Yaeyama at Malaria
Pinaniniwalaang nakarating sa Yaeyama ang malaria noong 1530, lulan ng isang Dutch na barko na dumaong sa isla ng Iriomote. Mula noon hanggang sa ika-20 na siglo, naging endemic ang malaria sa Yaeyama. Noong 1921, itinatag ang kauna-unahang kagawaran laban sa malaria, ang “Malaria Prevention Office, Yaeyama Islands Branch.” Ngunit dahil sa kawalan ng mas matibay na pamamaraan kontra sa malaria, patuloy na kumalat ang sakit at naabutan pa ito ng Giyera ng Okinawa.

Mga Pagbabago sa Bilang ng mga Kaso ng Malaria at mga Namatay sa Yaeyama
Malaria sa panahon ng giyera
Kahit na walang giyera na naganap sa  Yaeyama sa naganap na Digmaan ng Okinawa, napilitan ang mga taga-Yaeyama na  lumikas sa mga lugar kung saan endemic ang malaria, dahil na din sa utos ng  sandatahang Hapon. Dala ng kakulangan sa pagkain at gamut, kalahati ng  populasyon,16,884 ng mga mamamayan, ang nagka-malaria. Ito ay nagresulta sa  pagpanaw ng 3,647 katao. Maikukumpara ito sa 178 na namatay sa Digmaan ng  Okinawa. Kinilala ito bilang malaria sa panahon ng giyera (“Wartime Malaria”).
	        Ang doktor na si Kozen Yoshino, PhD, isang  eksperto mula sa Yaeyama, katulong si Naoki Kuroshima, isang espesyalista sa  pampublikong kalusugan, ay nangolekta ng datos ukol sa malaria na nakatulong  upang sugpuin ang sakit matapos ang labanan.
          Matapos ang giyera, naging direktor ng  Yaeyama Branch Office at gobernador si Dr. Yoshino habang si Dr. Shinken Ohama,  PhD, isang malariologist mula sa Yaeyama, ay itinalagang pinuno ng kagawaran ng  pampublikong kalusugan. Naging strikto ang pagpapatupad ng mga hakbang kontra  sa malaria at noong 1949, bumagsak ang bilang ng mga namatay sa malaria sa 17.  Sa kabila nito, hindi pa din nakamit ang zero malaria.
Imigranteng Malaria at ang Plano ni Wheeler
Noong 1950, binawasan ng  bagong halal na gobyerno ang pondo para sa pagsugpo sa malaria at nagpatupad ng  isang resettlement program. Madaming mga unang henerasyon o “pioneer  immigrants” ang inilipat sa mga lugar kung saan endemic ang malaria, dahilan  para muling kumalat ang sakit. Kinilala ito bilang imigranteng  malaria. 
	        Noong 1957 sa Yaeyama,  dahil sa kahilingan ng USCAR (the United States Civil Administration of Ryukyu  Islands), ang entomologist na si Charles M. Wheeler ng GHQ ng Japan, ay  nagtatag ng isang plano para sugpuin ang malaria. Kinilala ito bilang Plano ni Wheeler  . Naglaan ng pondo para sa pag-spray ng DDT, isang murang uri ng pestisidyo na  noong lumaon at napatunayang masama sa kalusugan. Dahil sa DDT, nakamit ang  zero malaria noong 1962 at ang huling mga pasyente sa isla ng Iriomote ay  ginamot noong 1961.
          *Ang  DDT ay mura at epektibong insecticide, ngunit ipinagbawal ito dahil sa  mapanganib na epekto sa katawan.
The Seksyon Para sa  Eradikasyon ng Malaria, Yaeyama Sentro Para sa Pampublikong Kalusugan
        Ipinapakita ng talahanayan ang magkakasunod  na zerong kaso ng malaria mula noong 1962
    Ano ang Malaria?
Ang malaria ay isang nakahahawang sakit na mula sa  parasito na Plasmodium. Nakakaranas ang taong may malaria ng mataas na  lagnat at paggiginaw. Nakakamatay ito kung walang agarang lunas. Naipapasa ang  malaria sa pamamagitan ng kagat ng lamok na may dalang Plasmodium. Isa  ang malaria sa tatlong pangunahing nakahahawang sakit sa buong mundo, kabilang  ang AIDS at tuberculosis.
Sa Yayeama ang Anopheles yaeyamaensis ang  nagdadala ng nakamamatay na Plasmodium falciparum. Matatagpuan ito sa  mga batis sa kagubatan.
Wala nang malaria sa Yaeyama sa ngayon ngunit sa ibang  bahagi ng mundo na laganap ang kahirapan gaya ng Asya at Aprika, humigit  kumulang 600,000 ang namamatay dahil sa sakit na ito kada taon. (2020)
Anopheles yaeyamaensis

Pulang selula ng dugo ay nahawaan ng Plasmodium protozoa

Inoda at Imigranteng Malaria
Noong Hulyo  7, 1950, itinalaga sa nayon ng Inoda, kung saan endemic ang malaria, ang isang “Malaria  Eradication Inoda Branch Office” sa tulong mismo ng mga residente ng lugar. Noong  Oktubre 1951, nagsimulang manirahan sa nayon ng Ogimi sa mainland Okinawa ang  unang 21 na pamilya sa ilalim ng isang resettlement program. Sinundan sila ng  ilan pang mga pamilya at sinimulan na nilang sakahin ang lupain. Sinundan ito  ng isang outbreak ng malaria sa hilagang bahagi ng isla ng Ishigaku, kabilang  ang Inoda. Pinangunahan ng Inoda Branch Office ang mga hakbang sa paggamot, pagpapalaganap  ng kaalaman at pagsugpo sa malaria gamit ang Wheeler Plan.
          Dahil sa mga  hakbang na ito, naging zero ang mga kaso ng malaria noong 1962. Sa wakas,  nagtapos ang 400-taong laban ng Yaeyama para sugpuin ang malaria.
Medikal tsek-ap ng mga kawani ng health center
    Opisina  Para sa Eradikasyon ng Malaria, Sangay Inoda 
        Private  collection 
    Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-kopya o pag-imprenta ng anumang bahagi nito ng walang pahintulot.